In

Madalas, Hindi Kita Maintindihan

HOW_CLARITY_IS_SO_MANLY_1

Siguro nga ay hindi magkatulad kung paano natin makita ang bawat bagay dito sa mundo.

Maraming dahilan ng hindi pagkakaintindihan sa panahon ngayon at hindi madaling gawan ng paraan upang maipaintindi ang mga bagay na hindi mapagkasunduan. Hindi mo mapipilit ang taong maintindihan ka kung hindi ka niya gustong intindihin. At ang mas masakit pa doon, mas iniintindi pa niya ang sinsabi ng iba.

Minsan ganyan tayo, eh. 
Mali pala.
Minsan, o madalas, ganyan ako Sa'yo.

Madalas hindi Kita maintindihan kasi ayaw kitang intindihin.
Hindi kasi lahat ng gusto ko ay akma sa gusto Mo.
Bakit ba kasi parang ang hirap naman ng bawat daan na dapat kong tahakin sa lahat ng gusto Mo para saakin?
Para bang kailangan ko munang bumagsak, masugatan, umiyak para lang mapagtagumpayan ang daang tinahak ko papunta sa gusto Mo.
Hindi ko kasi madalas maintindihan kung bakit ba hindi tayo parehas ng gusto.
Maganda naman ang mga plano ko, ngunit sabi Mo 'di hamak mas maganda ang Sa'yo.
Ngunit bakit nga ba hindi ko makita ang ganda ng mga balak Mo?
Bakit nga ba ayaw kong intindihin ang mga sinasabi Mo?
Siguro dahil nakatingin ako sa mga kaya kong gawin imbis na nakatingin dapat ako sa kaya Mong gawin na hindi ko kailanma'y kaya.
Hindi kita maintindihan kasi siguro hindi kita inuuna at iniintindi ng hindi ko namamalayan.

At hindi lang iyon, mas madalas kaysa intindihin Kita, mas iniintindi ko pa ang sisnabi ng iba. Eh bakit nga ba? 
Madalas kasi may mga bagay akong hindi gustong madinig dahil masasaktan lang ako. At may mga taong sadyang pinipili ang kanilang bawat salita para maiwasan na ang damdamin ko ay masaktan.
Mas iniintindi ko pa ang tingin at sinsabi ng iba saakin dahil pakiramdam ko mawawalan ako ng kaibigan pag mas pinili ko ang madalas na di ko naman maintindihan na mga sinsabi Mo. 
Dagdag pa doon ang pangungutsya ng iba pag hindi naayon sa batayan nila ng "maganda" ang ginawa ko. 
Aba, teka. Ano nga ba ang maganda? Madalas nalilito na ako. 
Dala ng takot at pangamba na hindi ako sigurado sa gusto Mo, mas madalas iba ang pinakikinggan ko. 

Pero lagi Mong pinapaalala sa akin,
"Bakit ka ba puno ng mga bakit?"
"Bakit laging nalang nangingibabaw ang sakit?"
"Bakit ba pilit mong iniintindi ang lahat?"
"Bakit ba hindi na lang Ako at ang aking mensahe sa'yo ang intindihin mo?"
"Bakit ba madalas kang makalimot, at sa lahat ng kakalimutan mo, Ako pa?"

Tuwing pinapaalala mo saakin kung Sino ka, mas lumilinaw saakin na kung gaano tayo magkaiba. Yung pagkakaiba na hindi ko dapat katakutan, kainisan o ikabahala. Dahil ang pagakakaiba na yun ang daan patungo sa kabutihan. Daan patungo sa mga pangako Mo. Daan kung saan hindi man masagot lahat ng bakit, kung saan nararamdaman pa rin ng sakit, may kasiguraduhan na kasama Kita.


At hindi man kita madalas maintindihan titingin ako sa langit, mananalangin, mananalig na balang araw hindi ko na kailangan pang maintindihan pa. Hindi na kailangan na masagot pa lahat ng katanungan. Balewala na ang lahat ng mga sagot ka katanungan, kasi Ikaw lang naman, Ikaw lang talaga ang sagot sa lahat ng katanungan na meron ako.

Kaya ang pananlangin ko, bigyan mo ako ng mata at ng isip na tulad Sayo nang makita ko ang nakikita Mo - ang mabuti, kaayaaya, at kalugud-lugod Mong Kalooban.

Related Articles

0 comments:

Post a Comment